Good day everyone! Wala munang definition ngayon kasi alam niyo naman na ang meaning ng "EX" ahahaha. And by the way, 'yung mga magiging nilalaman nitong topic ay based on the experiences ng ibang tao pero 'yung ibang sitwasyon ay naranasan ko na hehe.
______________________________________
Sawi ka ba?
Naranasan mo bang lumuha na pakiramdam mo ay dugo na ang lalabas? Kasi ang init sa mata?
Naranasan mo bang maghapon ka ng umiiyak at kulang na lang ay wala ka nang gawin sa maghapon at nakatulog ka na lang ng 'di namamalayan?
Naranasan mo bang magmakaawa sa harap niya para lang bawiin ang sinabi niyang "BREAK NA TAYO!"
Naranasan mo bang lumuhod sa harapan niya para lang maawa siya at malay mo magbago pa ang desisyon niya?
Ginawa mo ba ang paglalaslas o ang uminom ng sangkaterbang gamot para lang ma-overdose ka? (Never kong ginawa 'yan )
O baka naman nahuli mong napagtaksilan ka kaya bigla siyang nakipaghiwalay sa'yo?
Marami pa 'yan,hindi lang yan ang mga sitwasyon na nangyayari during break-ups.
_____________________________________
Alam kong hindi madaling mag move-on lalo na kapag sobrang dami niyo nang napagsamahan na halos kulang na lang ay tumambling ka ng 100x araw-araw kasi sobrang saya mo kapag kasama siya :3 But one day, hindi mo inaasahan na makikipaghiwalay siya sa'yo.
Marami pa 'yan,hindi lang yan ang mga sitwasyon na nangyayari during break-ups.
_____________________________________
Alam kong hindi madaling mag move-on lalo na kapag sobrang dami niyo nang napagsamahan na halos kulang na lang ay tumambling ka ng 100x araw-araw kasi sobrang saya mo kapag kasama siya :3 But one day, hindi mo inaasahan na makikipaghiwalay siya sa'yo.
Marami sa mga tao ngayon na IN A RELATIONSHIP na pero hanggang ngayon ay hindi pa rin maka-get over kay ex (hoy! mahiya ka naman sa karelasyon mo. Itigil ang kahibangan na iyan.)
Ano ba ang mga ginagawa ng ibang tao na yan kung paano sila HINDI makaka-move on kung hanggang ngayon eh hindi tinatantanan ang ex. :
- Kahit hindi na sila friend sa facebook (or in any social networking sites), da-da moves 'yan para lang makita ang picture o status ni ex.
- Kunwari hindi na raw niya itetext si ex,pero lagi naman kinakamusta.
- Kunwari ide-delete ang number pero ang totoo kabisado naman niya.
- May binigay si ex na halos araw-araw naman sinusuot. (Meron akong kilala na hanggang ngayon suot-suot niya ang singsing kahit hanggang sa pagligo,hindi niya hinuhubad iyon. Tapos sasabihin,wala naman na 'yon. Syempre diba, kahit sino naman masasaktan kapag makita iyon ng bagong karelasyon. Okay lang naman na gamitin,wag lang sana araw-araw)
- Kapag may mga reunion tapos ang ganda/gwapo niya nung nakita mo sya, bigla naman magniningning 'yung mata mo kasi nga attractive siyang tignan at hanggang sa pag-uwi mo ay hindi ka na naman maka get-over sa nakita mo.
- May mga nakasanayan kang bagay na ginagawa ninyo noon tapos gusto mong gawin din 'yun sa'yo ng current jowa mo, I'm sure mahihirapan kang ipagawa 'yun sa kanya. (Kasi naman hindi lahat ng babae/lalaki ay pare-parehas maghandle ng relasyon)
- Heto pa, may occassion, tapos invited ang mga kaibigan ng ex mo na kaibigan mo rin. Ikaw naman, para makita siya,makikisuyo ka sa kaibigan niyo na yayain siya pumunta pero kunwari hindi mo sinabi.
- Nagpalit na ng number ang ex mo pero nakada-moves ka pa rin para makuha ang number niya.
- May oras din na nalaman mong may bago na rin pala syang jowa, ikaw naman, sige lang sa paglait at madalas sabihin "Mas gwapo/maganda naman ako kesa sa bago mo".
- Nagko-communicate nga kayo,pero sinasabihan mo pa rin ng I LOVE YOU. 'yung totoo?
- At higit sa lahat, parehas na kayong naka-move on at parehas na kayong may kanya-kanyang relasyon, bigla naman kayong magkakamustahan at sabay magre-reminisce na kulang na lang ay ipadala niyo na lang sa MMK o Magpakailanman ang kwento niyo.(Sa tingin mo nakatulong sa pag-move-on?)
Alin ka dyan sa mga 'yan?
Marami pa yan kung tutuusin,kaya lang baka sumpain niyo na ako haha. To summarize, kung masaya ka na sa bago mo ngayon, 'wag mo nang gawin 'yung mga nandyan sa mga binanggit kasi nakakahiya sa karelasyon mo eh. Parang ginawa mo lang siyang panakip butas kung ginagawa mo lang 'yung mga yan. Kaya mo nga siya pinili ('yung bago mo ngayon 'yung tinutukoy ko ha?) ay para mag-move forward hindi para mag-move backward. Masakit sa damdamin 'yan friend,promise. Tapos na ang relsyon niyo ni ex kaya 'wag ka nang magpaka-HIBANG at magpaka-TANGA kasi nakakabaliw yan, masakit na sa ulo,masakit pa sa bangs.
Sana kontrolin ang gawain na yan ha? Bukas, panibagong topic naman tayo. Maraming salamat!
Sana kontrolin ang gawain na yan ha? Bukas, panibagong topic naman tayo. Maraming salamat!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento