
_________________________
Hello guys,bago ko simulan ang topic ko,papasalamatan ko muna 'yung one of my best friends na si Sarah Chin
. Siya kasi ang nag-request ng topic ko for today! (kaway-kaway hihi).

_________________________
Nabasa niyo ba 'yung definition ng DESTINY sa upper part? may nakita kayong word na "POWER"? . *clap clap*! Ang taray! Akalain niyong MAKAPANGYARIHAN pala ang DESTINY na 'yan? Kaya marami rin ang malakas ang pananalig ng karamihan sa destiny eh. Halos siguro 75% ng mga sawi sa pag-ibig ay umaasa na lang sa tadhana. Pero saan ba nagsimula ng DESTINY kemerat na yan? ---->(Philosophy on the concepts of destiny and fate has existed since the Hellenistic period with groups such as the Stoics and the Epicureans.The Stoics believed that human decisions and actions ultimately went according to a divine plan devised by a god. They claimed that although humans theoretically have free will, their souls and the circumstances under which they live are all a part of the universal network of fate. Source- http
/en.wikipedia.org/wiki/Destiny)

Naintindihan niyo ba? Ako hindi eh kasi english.Hahahaha Lol. Biro lang. Ibig sabihin pala ay nakadepende pa rin pala ang term na DESTINY sa mga sinasamba natin(mga diyos). Kungbaga, sila/Siya ang nagbibigay ng magiging kapalaran natin. Pero hindi naman sa lahat ng bagay ay iaasa na lang natin sa Diyos/diyos. Parang ganito lang 'yan eh, mananalo ka ba sa lotto kung hindi ka naman tumataya? Same thing with love, 'diba hindi naman tayo makakakita mismo ng pag-ibig natin kung hindi natin gugustuhin na makilala muna siya? Alangan naman na maniniwala ka sa LOVE AT FIRST SIGHT. Parang sinabi mo na rin na physical looks lang ang habol mo. Hindi lahat ng gwapo/magaganda ay gwapo/magaganda rin ang PAG-UUGALI. At hindi rin lahat ng PANGET ay panget din ang PAG-UUGALI. Bakit ko ba naisingit ang love at first sight na iyan? Kasi ho mga kapatid,may mga tao na may mapadaan lang sa harapan nila na maganda/gwapo, sasabihin nila "SYET!SIYA NA YATA ANG TADHANA KO". Tsssss.
. Ang sarap pukulin minsan ng bote sa ulo ng mga nagsasabi ng ganyan.

Mabalik tayo sa destiny. Ano ba 'yung mga signs "DAW" na nakatadhana sa'yo ang isang tao?
- Mag-apir daw kayo ng taong hinihinala mong nakatadhana sa'yo tapos pagkabukas niyo ng palad ninyong dalawa, tignan ang guhit ng hinliliit kung pantay,ibig sabihin ay meant to be kayo.
- Kapag may kamukha ka raw sa isa sa miyembro ng pamilya ng nobyo/nobya mo,kayo na raw magkakatuluyan habangbuhay.
- Kapag may nakatabi ka tapos may naramdaman kang kuryente na dumaloy sa katawan ninyo parehas, meant to be pa rin daw ang eksena niyo!
- Kapag hindi niyo sinasadyang magkabungguan kayo at napatingin kayo sa isa't isa,tignan ang mga mata kung may SPARKS,baka siya na ang hinihintay mo! (Sparks? pakainin ko na lang kayo ng kwitis para siguradong mag-spark din kayo haha..)
Iilan pa lang 'yan sa mga superstitions na naririnig ko dyan lang sa tabi-tabi! Haha. Para sa akin, kung may destiny man na ibibigay sa akin,edi magpapasalamat ako kay God. Kaso hindi talaga ako naniniwala sa destiny eh (pasensya naman!). Mas naniniwala kasi ako na kung paghihirapan mong makuha ang isang tao, kailangan mo talagang paghirapan. Hindi yan nakukuha by destiny or fate kasi maaari ka pa ring masaktan eh kung patuloy kang maniniwala sa mga ganyang paniniwala. Kung ako sa'yo friend, mas mainam na makisalamuha sa different circle of friends. Malay mo, may maging kaibigan ka doon tapos maging close mo pa,tapos malay mo maging mutual na ang feelings niyo,tapos magkatuluyan pa kayo,tapos..... tapos...... tapos....... TAPOS na haha. HAPPY ENDING na kayo
Basta ako, hindi man ako naniniwala sa DESTINY pero naniniwala ako sa true love (hello pala sa mahal kong si ROEL N. FRANCISCO jr. ILOVEYOU! <3 )

(Kung may violent reaction kayo,welcome ang mga comments! hehehe. Have a great hair day!)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento