Biyernes, Enero 9, 2015

Mga BITTER!??

Good day everyone! Ngayon lang nakapag-post  medyo busy pa po eh. Anyways, may gusto talaga akong i-topic kaso may nag-request na gawan ko naman daw ng eksena ang salitang BITTER!. (Seriously, nahirapan ako dito,kasi wala akong experience regarding this Bitterness thingy.)
___________________________________________

Ang sakit 'diba  kapag nakakakita ka ng mga COUPLE sa pali-paligid. Nakakaramdam ka ng inggit kasi hindi mo na nagagawang makipag-lambingan sa jowa mo, ay este sa ex mo kasi hiwalay na kayo. Syempre hindi naman talaga ganun ka-dali mag-move on lalo na kapag mahal mo pa rin ang isang tao. (Aminin mo,habang binabasa mo 'to, may naiisip kang isang tao?)

May mga instances pa na gagawa o may mga eksena ka pa na nagagawa para lang mapagtakpan ang sarili mo na OKAY ka, but deep inside, sobrang dinudurog mo na rin ang puso mo sa sobrang ka-plastikan mo sa sarili mo. Ano-ano nga ba ang mga eksenang ginagawa ng mga taong hindi maka-move on?

1. Malalaman mong bitter 'yan kapag may nakita siyang mag-jowa tapos unang-unang lalabas sa bibig niya ang salitang "MAGHIHIWALAY DIN 'YAN!" (Aminin?? Sinabi mo na 'to noh?)
2. Kapag may nakita rin siyang mag-jowa na magka-holding hands. Syempre dahil bitter nga at iba ang aura, lalakad 'yan ng mabilis at dadaan yan sa mismong magkadikit na kamay ng mag-jowa, sabay paghihiwalayin ang kamay na parang walang tao sa paligid niya at kanya lang ang kanyang madadaanan,
3. Dahil sa kakahiwalay niyo lang,lahat ng mga kanta na may kinalaman sa pag-ibig, iniiyakan mo.
4. Speaking of songs, 'yung mga kantang hindi mo alam ang meaning noon, lahat nagkakaroon na ng meaning at higit sa lahat, bigla mong naintindihan ang laman ng lyrics.
5. Makakita ka lang ng bagay na kaparehas na binigay sa'yo ng ex mo,bigla ka na lang malulungkot. (Kung hindi ka naman nalulungkot, bigla ka namang magwawala at itatapon ang bagay na yon,pero narealize mo na hindi pala sa'yo iyon, KAMUKHA LANG 'YON NG BINIGAY SA'YO, ASSUMERA!)
6. Ayaw na ayaw mo ng nakakarinig ng pangalan ng EX mo.
7. Nakita mong may bago na siya, bigla mong sasabihin sa ibang tao na "OKAY LANG,HINDI NAMAN AKO NASASAKTAN". (Pero sa loob-loob,may mga martilyong pumupukpok sa puso mo at unti-unting dinudurog.)
8. Kung sino pa 'yung nakipaghiwalay, siya 'yung pa 'yung bitter. 'Yung tipong pati sa facebook ay blocked ka na. 'Yung totoo?
9. Bitter si ex. Pero hindi mo rin ineexpect na pati ang mga kaibigan niya ay galit na rin sa'yo. Ano toh? Ubusan ng lahi ang peg?
10.  Kapag nagkamustahan,magkukwentuhan 'yan hanggang sa magkakaroon pa ng eksena ng sisihan at sumbatan.


Hay naku,sakit sa ulo talaga 'yang mga EXes na 'yan. Hihiwa-hiwalay tapos hindi pala mao-overcome 'yung break-up. 'Yung mga common bitter ay 'yung mismong nakipaghiwalay. Aminin mo man o hindi, karamihan talaga sa mga bitter ay yun ngang nakipaghiwalay. Bakit? Kasi iniisip nila na "Aba, kakahiwalay lang namin tapos may kapalit na agad?" Aba matindi. Mapipigilan mo ba ang puso na ma-in-love ulit? Ibig sabihin lang siguro ng pagiging bitter ay MAHAL KA PA ng taong nakipaghiwalay sa iyo. Hindi natin pwedeng pagbawalan ang mga taong pumili ng araw,linggo,buwan o taon kung kelan siya iibig ulit. Aba! Life is too short to be sad everyday where there's a way to be GLAD instead.(Akin 'yang line na 'yan ha? Ang hirap kaya mag-isip haha, english pa more!).

Hayaan niyo na nga 'yan. May ire-recommend ako para maiwasan ang ganyang bitterness. Piliin mo na lang na maging SINGLE, para at least, sarili mo lang ang iintindihin mo. Kung tatanda ka mang dalaga o binata, hayaan mo na,baka kapalaran mo talaga 'yun. Ahahahaha. Peace. Thanks for reading! <3 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento