Lunes, Enero 5, 2015

Usapang "CRUSH" po tayo.

Crush -  a strong feeling of romantic love for someone that is usually not expressed and does not last a long time. http/www.merriam-webster.com/dictionary/crush
Infatuation -  is the state of being carried away by an unreasoned passion or love. http/en.wikipedia.org/wiki/Infatuation
__________________________________________
CRUSH! <---- ang salitang ang sarap-sarap pakinggan sa tenga haha. Nakakaloka rin minsan 'diba?
Saan ba tayo nagsisimulang magkaroon ng isang "CRUSH"? Maaring sa kapitbahay; sa kaibigan mo ('yung tipong tropa nila tapos ipapakilala sa'yo), at ang higit sa lahat ay sa school.

Sa una, deadma ka lang sa isang tao kapag una mo pa lang siyang nakikita. Pero kapag tumagal-tagal na ay unti-unti mo na palang nagugustuhan kung ano siya lalo na kapag pinakitaan ka ng kabaitan at napapalapit ang loob mo sa kanya kasi madaling sakyan ang trip mo. Kikiligin ka na rin at the same time. Masarap kaya ang magkaroon ng crush (mamatay na ang NEVER pang nagka-crush. ) Feeling mo ay para kang lumilipad sa alapaap kasi sobrang inspired ka everytime na nakikita mo ang crush mo.(Taympers, habang nagta-type ako,napapangiti ako hahaha, naaalala ko na naman 'yung first time na nakilala ko 'yung boyfriend ko ngayon haha. Anyways,moment niyo 'to haha kaya back to business).

Syempre kapag nagkaka-crush tayo, hindi natin maiwasan na magkaroon ng common actions kapag nakikita /nakakasama/ nakakausap/ nakakatext mo ang crush mo. Heto ang ilang senyales na nahihibang o kinikilig ka sa crush mo:

  1. Kapag napadaan siya sa harap mo at nagsabi siya ng "HI" sa'yo tapos lumagpas na siya sa kinaroroonan mo,titili ka sa sobrang kilig (mas malala kapag may kasama kang mga kaibigan mo tapos hahampasin mo dahil nga hindi mo makontrol ang kilig mo).
  2. Kapag hiningi ang number mo, hindi pa man tapos ang sasabihin niya ay bigla mo na lang babanggitin ang cellphone number mo ng walang pagdadalawang isip (pero kapag ibang tao 'yan, juice colored, tila walang narinig yan at deadma lang)
  3. Kapag may nakalimutan siya o hindi kaya meron siyang bagay na wala pero kailangan na kailangan niya, darating ka naman agad para alukin na ipahiram muna sa kanya ang gamit mo (okay lang kahit wala ka nang magamit,basta si crush magkaroon lang. 'Yung totoo teh?)
  4. Kapag nakipag-shake hands sa'yo si crush tapos pagkaalis ng kamay,sabay ka namang tatalikod tapos aamuy-amuyin ang kamay mo, kunwari may sipon ka lang. (pero ang totoo,sinisinghot-singhot na ang mabangong kamay ni crush)
  5. Kahit nakatalikod si crush, alam na alam mo na ang likod niya kahit sobrang layo pa niyan. (ano teh? major in anatomy?)
  6. Aminin mo, kahit hindi mo alam na paparating siya, bigla na lang lalakas ang heart beat mo kasi nga malakas ang radar mo na parating na siya.
  7. Hindi na uso ang "Para kanino ka bumabangon?", mas uso na talaga ang "Para kanino ka nagpupuyat?" (eh whole day ba naman kayong magkatext. May bukas pa naman)
  8. Kapag nagyaya ang crush mo na sabay kayong kumain, automatic na sasabay ka tapos may pasingit ka pa na "Ay,sakto ! marami akong baon. Tara,share tayo." (Kunwari pa,pero pinaghanda mo talaga siya,ahahaha.)
  9. Ang mala-teleseryeng eksena na may nang-aapi sa'yo tapos hindi mo inaasahang darating ang crush mo para ipagtanggol ka sa iba. (Wow! Superhero!)
  10. Kapag may gropu activity or overnight, hindi ka naka-focus sa ginagawa niyo, busy ka kay crush mo.
  11. Another thing, kapag magka-text kayo ng crush mo tapos bumanat siya ng pick-up or cheesy lines, bigla ka na lang ngingiti ng sobrang laki. Parang ganito _>   (^____________^)
  12. Marami kang ginagawa, pero gusto mong magpahinga saglit, nagde-day dreaming ka naman at si crush ang mai-imagine mo. Relaxed ka na nun.
  13. Niyaya kang mag-gala. Bigla kang magbibihis agad kaso ang problema mo, sa dinami-dami ng damit mo, hindi mo alam ang susuotin mo. Oo nga't nakapagbihis ka na nga,ang kaso lang kapag haharap ka naman sa salamin, bigla kang magtatanong kung okay na ba ang ISTURA MO! ('Yan pa ang dahilan ng pagtagal mo sa harap ng salamin.)
  14. Walang load si crush kaya nag-smart alert siya sa'yo para malaman mo lang na wala na siyang load. Ikaw naman, kung hindi bibigyan ng pasaload, papaload-an mo na lang talaga mismo.
  15. Kahit pagod na pagod ka na,pero kapag niyaya ka ni crush na tumambay sa kahit saang tambayan, magkukumahog ka namang tumakbo. Ay este,pumunta pala.
  16. Kapag nag-gm si crush na tungkol sa PAG-IBIG, kahit hindi naman para sa'yo, mag-a-assume ka na para sa'yo ang quotes na iyon. 
  17. Kunwari walang signal ang cellphone mo, pero 'yun naman pala, mag-i-stolen shot ka lang pala ng crush mo.
  18. May makita ka lang na ibang kausap ang crush mo, agaw-eksena ka naman para lang maputol ang pag-uusap nila.
  19. Isa pa sa malalang eksena ay 'yung may nalaman kang may jowa na ang crush mo, tapos biglang mag-iiba na ang kulay ng aura mo. BIgla kang magseselos na ang eksena mo naman ay para kang pinagtaksilan. ('Wag masyadong feeling ha? crush mo pa lang siya.)
  20. At higit sa lahat, kapag ka-text mo siya at sinabi ang text na ganito "Good night na kaibigan,matutulog na ako! LUV U!!' . Sabay ka magtatalukbong ng kumot,kakagatin ang unan o ang piraso ng kumot sabay bibitaw ng pigil na pag-tili.

Marami pa 'yan friend, pero basic pa lang 'yan ng mga eksena ng kalokohan mo pagdating kay crush. Masyado atang naparami ang sinabi ko haha. (Yung iba kasi na-experience ko na). SIguro, sa next blog na lang 'yung part 2 niyan. Kung bitin pa hehehe. Sana napakilig kita ulit sa pag-alala sa mga kahibangan mo kay crush. 'Til next time 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento