Sabado, Enero 10, 2015

Ano ang DAPAT na gawin ng babae kapag kaka-break lang?

Hey guys! I would love and like to dedicated this next topic to the love of my life, my girl friends  And also to the girls  who recently kaka-break lang :-)
________________________________________________

Masakit makakita ng mga babaeng halos magpakamatay na sa kakaiyak para lang makalimutan ang break up moments. Seriously, I'm used to it. Ang tagal bago talaga maubos ang luha ko. Imagine, sa panahon ngayon, ang mga lalaki pa ang nakikipag-break. Samantalang ang mga babae na ang mas nag-eeffort when it comes to the relationship. Medyo nakakahiya diba?Believe me, kapag ang babae ang nakipag-break, dalawa lang ang ibig sabihin nyan whether ayaw na niya talaga o nagpapa-lambing lang 'yan. Pero kapag ang lalaki na ang nakipaghiwalay, asahan mong wala na talaga yan. Ang lalaki kasi,kapag ayaw na, ayaw na nyan talaga. 

Alam niyo mga 'te, kung nakipaghiwalay sa inyo ang jowa niyo, then so be it! Ibig sabihin ay hindi talaga siya ang para sa'yo. So why magmu-mukmok? Heto ang mga tips ko sa inyo para medyo mabawasan ng kaunti ang mga dinadala ninyong pabigat. ('Yung iba po based on personal experience and proven effective haha.)

  1. The best way para maubos ang luha mo ay humanap ka ng mapagsasabihan ng problem mo. (Mas maganda na sa iyong Mama,Nanay,Mommy ka magsasabi ng problema. Promise,papayuhan ka tapos at the end, sobrang mababawasan ang problema mo ng mga 70% kasi comfort pa lang,winner na.)
  2. Karamihan sa mga babaeng sawi ay hindi kumakain. Daig pa ang mga may ipinaglalaban dahil sa pag-Hunger Strike. ('Wag kang magpaka-gutom. Tandaan mo na nagpapakahirap ang magulang mo sa paghahanap-buhay para lang may maipakain sa'yo tapos sige ka lang sa pagpapaka-gutom. Kaloka ka!)
  3. Pwede kang mag-stroll sa mall o kahit saan na marami kang pwedeng makitang mga bagay. Kung gusto mo, punta ka sa mga lugar na more on magagandang environment ang nasa paligid mo,yung tipong marami kang makikitang bulaklak o di kaya 'yung maraming puno tapos makakaramdam ka na lang ng masarap na hangin. Mag-meditate ka na rin para masaya.
  4. 'Wag kang masyadong magmukmok sa kwarto mo. Makikita mo na lang na malaki ang eyebags mo. Nanganganak na rin ang eyebags baka akala mo. 
  5. Kumain ka ng chocolate. Nakakawala ng stress. 'Wag kang matakot tumaba, di naman nakakataba ang chocolate. (Best experience ko 'yan. Ewan ko ba kung bakit. Kasi one time, iyak ako ng iyak tapos nakakita ako ng chocolate sa bahay, talagang nilamon ko (oo, LAMON talaga ang term). Wala akong kamalay-malay,naging payapa utak ko haha.)
  6. Just go out with friends. Hindi masamang sumama sa gimik ng mga kaibigan mo. Tandaan na ang mga kaibigan, kahit mag-away kayo niyan, iyan ang hindi ka iiwanan. The true value of love will  be defined first  by TRUE meaning of FRIENDSHIP.
  7. Refrain from doing anything that will harm/hurt you . Example, overdose from medicine/drugs, lacerating wrist. I don't think it will do you any good. (Aba, english ahahaha!)
  8. 'Wag mo syang sumabatan sa mga ginawa mo sa kanya, that will cause another issue. Instead, magpasalamat ka na lang sa kanya kasi at least narealize mo na hindi kayo para sa isa't isa at meron palang may nakalaan na iba para sa'yo. 'Yun kasi siguro ang plano ni God.
  9. Kung may mga bagay ka na nakikita na ayaw mo na dahil binigay 'yun sa'yo ng jowa mo,'wag mo namang itapon o sunugin. I-treasure mo na lang. Hindi naman sa sinasabi ko na in the future ay maalala mo pa rin sya eh tapos gusto mo nga mag-move on. Ang ibig ko lang sabihin ay 'wag mo ring hayaan na itapon 'yung effort/pinag-ipunan niya para lang maibigay niya sa'yo 'yung sa tingin niya ay magpapasayo. 
  10. Lastly, 'wag na 'wag kang magmadaling maghanap ng iba ha? Darating sa'yo yung taong para sa'yo. Minsan matagal, minsan naman mabilis lang. Enjoy-in mo muna ang pagiging single o should I say pagiging MALAYA mo. Masarap kaya ang feeling na sarili mo lang ang iniintindi.Tapos sabay kanta sa unang lyrics ng Domino ni Jessie J. na "I'm feeling sexy and free like glitters raining on me". Genern.
Ang dami ko pang gustong sabihin eh,kaso baka maging redundant lang 'yung iba. But then, iba pa rin talaga ang feeling kapag committed ka sa isang tao, at iyon lang ang isang bagay na mami-miss mo kapag naging single ka na. Pero hayaan mo na, hindi ka matututo kung hindi ka masasaktan. Bawi ka na lang sa next relationship mo. At malay mo, dun mo pa mas matututunan ang mga bagay bagay and maybe you'll find your maturity there.  'Di ba? Oh sya! 'Til next post!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento