Sabado, Enero 10, 2015

Ano ang DAPAT na gawin ng babae kapag kaka-break lang?

Hey guys! I would love and like to dedicated this next topic to the love of my life, my girl friends  And also to the girls  who recently kaka-break lang :-)
________________________________________________

Masakit makakita ng mga babaeng halos magpakamatay na sa kakaiyak para lang makalimutan ang break up moments. Seriously, I'm used to it. Ang tagal bago talaga maubos ang luha ko. Imagine, sa panahon ngayon, ang mga lalaki pa ang nakikipag-break. Samantalang ang mga babae na ang mas nag-eeffort when it comes to the relationship. Medyo nakakahiya diba?Believe me, kapag ang babae ang nakipag-break, dalawa lang ang ibig sabihin nyan whether ayaw na niya talaga o nagpapa-lambing lang 'yan. Pero kapag ang lalaki na ang nakipaghiwalay, asahan mong wala na talaga yan. Ang lalaki kasi,kapag ayaw na, ayaw na nyan talaga. 

Alam niyo mga 'te, kung nakipaghiwalay sa inyo ang jowa niyo, then so be it! Ibig sabihin ay hindi talaga siya ang para sa'yo. So why magmu-mukmok? Heto ang mga tips ko sa inyo para medyo mabawasan ng kaunti ang mga dinadala ninyong pabigat. ('Yung iba po based on personal experience and proven effective haha.)

  1. The best way para maubos ang luha mo ay humanap ka ng mapagsasabihan ng problem mo. (Mas maganda na sa iyong Mama,Nanay,Mommy ka magsasabi ng problema. Promise,papayuhan ka tapos at the end, sobrang mababawasan ang problema mo ng mga 70% kasi comfort pa lang,winner na.)
  2. Karamihan sa mga babaeng sawi ay hindi kumakain. Daig pa ang mga may ipinaglalaban dahil sa pag-Hunger Strike. ('Wag kang magpaka-gutom. Tandaan mo na nagpapakahirap ang magulang mo sa paghahanap-buhay para lang may maipakain sa'yo tapos sige ka lang sa pagpapaka-gutom. Kaloka ka!)
  3. Pwede kang mag-stroll sa mall o kahit saan na marami kang pwedeng makitang mga bagay. Kung gusto mo, punta ka sa mga lugar na more on magagandang environment ang nasa paligid mo,yung tipong marami kang makikitang bulaklak o di kaya 'yung maraming puno tapos makakaramdam ka na lang ng masarap na hangin. Mag-meditate ka na rin para masaya.
  4. 'Wag kang masyadong magmukmok sa kwarto mo. Makikita mo na lang na malaki ang eyebags mo. Nanganganak na rin ang eyebags baka akala mo. 
  5. Kumain ka ng chocolate. Nakakawala ng stress. 'Wag kang matakot tumaba, di naman nakakataba ang chocolate. (Best experience ko 'yan. Ewan ko ba kung bakit. Kasi one time, iyak ako ng iyak tapos nakakita ako ng chocolate sa bahay, talagang nilamon ko (oo, LAMON talaga ang term). Wala akong kamalay-malay,naging payapa utak ko haha.)
  6. Just go out with friends. Hindi masamang sumama sa gimik ng mga kaibigan mo. Tandaan na ang mga kaibigan, kahit mag-away kayo niyan, iyan ang hindi ka iiwanan. The true value of love will  be defined first  by TRUE meaning of FRIENDSHIP.
  7. Refrain from doing anything that will harm/hurt you . Example, overdose from medicine/drugs, lacerating wrist. I don't think it will do you any good. (Aba, english ahahaha!)
  8. 'Wag mo syang sumabatan sa mga ginawa mo sa kanya, that will cause another issue. Instead, magpasalamat ka na lang sa kanya kasi at least narealize mo na hindi kayo para sa isa't isa at meron palang may nakalaan na iba para sa'yo. 'Yun kasi siguro ang plano ni God.
  9. Kung may mga bagay ka na nakikita na ayaw mo na dahil binigay 'yun sa'yo ng jowa mo,'wag mo namang itapon o sunugin. I-treasure mo na lang. Hindi naman sa sinasabi ko na in the future ay maalala mo pa rin sya eh tapos gusto mo nga mag-move on. Ang ibig ko lang sabihin ay 'wag mo ring hayaan na itapon 'yung effort/pinag-ipunan niya para lang maibigay niya sa'yo 'yung sa tingin niya ay magpapasayo. 
  10. Lastly, 'wag na 'wag kang magmadaling maghanap ng iba ha? Darating sa'yo yung taong para sa'yo. Minsan matagal, minsan naman mabilis lang. Enjoy-in mo muna ang pagiging single o should I say pagiging MALAYA mo. Masarap kaya ang feeling na sarili mo lang ang iniintindi.Tapos sabay kanta sa unang lyrics ng Domino ni Jessie J. na "I'm feeling sexy and free like glitters raining on me". Genern.
Ang dami ko pang gustong sabihin eh,kaso baka maging redundant lang 'yung iba. But then, iba pa rin talaga ang feeling kapag committed ka sa isang tao, at iyon lang ang isang bagay na mami-miss mo kapag naging single ka na. Pero hayaan mo na, hindi ka matututo kung hindi ka masasaktan. Bawi ka na lang sa next relationship mo. At malay mo, dun mo pa mas matututunan ang mga bagay bagay and maybe you'll find your maturity there.  'Di ba? Oh sya! 'Til next post!

Biyernes, Enero 9, 2015

Mga BITTER!??

Good day everyone! Ngayon lang nakapag-post  medyo busy pa po eh. Anyways, may gusto talaga akong i-topic kaso may nag-request na gawan ko naman daw ng eksena ang salitang BITTER!. (Seriously, nahirapan ako dito,kasi wala akong experience regarding this Bitterness thingy.)
___________________________________________

Ang sakit 'diba  kapag nakakakita ka ng mga COUPLE sa pali-paligid. Nakakaramdam ka ng inggit kasi hindi mo na nagagawang makipag-lambingan sa jowa mo, ay este sa ex mo kasi hiwalay na kayo. Syempre hindi naman talaga ganun ka-dali mag-move on lalo na kapag mahal mo pa rin ang isang tao. (Aminin mo,habang binabasa mo 'to, may naiisip kang isang tao?)

May mga instances pa na gagawa o may mga eksena ka pa na nagagawa para lang mapagtakpan ang sarili mo na OKAY ka, but deep inside, sobrang dinudurog mo na rin ang puso mo sa sobrang ka-plastikan mo sa sarili mo. Ano-ano nga ba ang mga eksenang ginagawa ng mga taong hindi maka-move on?

1. Malalaman mong bitter 'yan kapag may nakita siyang mag-jowa tapos unang-unang lalabas sa bibig niya ang salitang "MAGHIHIWALAY DIN 'YAN!" (Aminin?? Sinabi mo na 'to noh?)
2. Kapag may nakita rin siyang mag-jowa na magka-holding hands. Syempre dahil bitter nga at iba ang aura, lalakad 'yan ng mabilis at dadaan yan sa mismong magkadikit na kamay ng mag-jowa, sabay paghihiwalayin ang kamay na parang walang tao sa paligid niya at kanya lang ang kanyang madadaanan,
3. Dahil sa kakahiwalay niyo lang,lahat ng mga kanta na may kinalaman sa pag-ibig, iniiyakan mo.
4. Speaking of songs, 'yung mga kantang hindi mo alam ang meaning noon, lahat nagkakaroon na ng meaning at higit sa lahat, bigla mong naintindihan ang laman ng lyrics.
5. Makakita ka lang ng bagay na kaparehas na binigay sa'yo ng ex mo,bigla ka na lang malulungkot. (Kung hindi ka naman nalulungkot, bigla ka namang magwawala at itatapon ang bagay na yon,pero narealize mo na hindi pala sa'yo iyon, KAMUKHA LANG 'YON NG BINIGAY SA'YO, ASSUMERA!)
6. Ayaw na ayaw mo ng nakakarinig ng pangalan ng EX mo.
7. Nakita mong may bago na siya, bigla mong sasabihin sa ibang tao na "OKAY LANG,HINDI NAMAN AKO NASASAKTAN". (Pero sa loob-loob,may mga martilyong pumupukpok sa puso mo at unti-unting dinudurog.)
8. Kung sino pa 'yung nakipaghiwalay, siya 'yung pa 'yung bitter. 'Yung tipong pati sa facebook ay blocked ka na. 'Yung totoo?
9. Bitter si ex. Pero hindi mo rin ineexpect na pati ang mga kaibigan niya ay galit na rin sa'yo. Ano toh? Ubusan ng lahi ang peg?
10.  Kapag nagkamustahan,magkukwentuhan 'yan hanggang sa magkakaroon pa ng eksena ng sisihan at sumbatan.


Hay naku,sakit sa ulo talaga 'yang mga EXes na 'yan. Hihiwa-hiwalay tapos hindi pala mao-overcome 'yung break-up. 'Yung mga common bitter ay 'yung mismong nakipaghiwalay. Aminin mo man o hindi, karamihan talaga sa mga bitter ay yun ngang nakipaghiwalay. Bakit? Kasi iniisip nila na "Aba, kakahiwalay lang namin tapos may kapalit na agad?" Aba matindi. Mapipigilan mo ba ang puso na ma-in-love ulit? Ibig sabihin lang siguro ng pagiging bitter ay MAHAL KA PA ng taong nakipaghiwalay sa iyo. Hindi natin pwedeng pagbawalan ang mga taong pumili ng araw,linggo,buwan o taon kung kelan siya iibig ulit. Aba! Life is too short to be sad everyday where there's a way to be GLAD instead.(Akin 'yang line na 'yan ha? Ang hirap kaya mag-isip haha, english pa more!).

Hayaan niyo na nga 'yan. May ire-recommend ako para maiwasan ang ganyang bitterness. Piliin mo na lang na maging SINGLE, para at least, sarili mo lang ang iintindihin mo. Kung tatanda ka mang dalaga o binata, hayaan mo na,baka kapalaran mo talaga 'yun. Ahahahaha. Peace. Thanks for reading! <3 

Lunes, Enero 5, 2015

Usapang "CRUSH" po tayo.

Crush -  a strong feeling of romantic love for someone that is usually not expressed and does not last a long time. http/www.merriam-webster.com/dictionary/crush
Infatuation -  is the state of being carried away by an unreasoned passion or love. http/en.wikipedia.org/wiki/Infatuation
__________________________________________
CRUSH! <---- ang salitang ang sarap-sarap pakinggan sa tenga haha. Nakakaloka rin minsan 'diba?
Saan ba tayo nagsisimulang magkaroon ng isang "CRUSH"? Maaring sa kapitbahay; sa kaibigan mo ('yung tipong tropa nila tapos ipapakilala sa'yo), at ang higit sa lahat ay sa school.

Sa una, deadma ka lang sa isang tao kapag una mo pa lang siyang nakikita. Pero kapag tumagal-tagal na ay unti-unti mo na palang nagugustuhan kung ano siya lalo na kapag pinakitaan ka ng kabaitan at napapalapit ang loob mo sa kanya kasi madaling sakyan ang trip mo. Kikiligin ka na rin at the same time. Masarap kaya ang magkaroon ng crush (mamatay na ang NEVER pang nagka-crush. ) Feeling mo ay para kang lumilipad sa alapaap kasi sobrang inspired ka everytime na nakikita mo ang crush mo.(Taympers, habang nagta-type ako,napapangiti ako hahaha, naaalala ko na naman 'yung first time na nakilala ko 'yung boyfriend ko ngayon haha. Anyways,moment niyo 'to haha kaya back to business).

Syempre kapag nagkaka-crush tayo, hindi natin maiwasan na magkaroon ng common actions kapag nakikita /nakakasama/ nakakausap/ nakakatext mo ang crush mo. Heto ang ilang senyales na nahihibang o kinikilig ka sa crush mo:

  1. Kapag napadaan siya sa harap mo at nagsabi siya ng "HI" sa'yo tapos lumagpas na siya sa kinaroroonan mo,titili ka sa sobrang kilig (mas malala kapag may kasama kang mga kaibigan mo tapos hahampasin mo dahil nga hindi mo makontrol ang kilig mo).
  2. Kapag hiningi ang number mo, hindi pa man tapos ang sasabihin niya ay bigla mo na lang babanggitin ang cellphone number mo ng walang pagdadalawang isip (pero kapag ibang tao 'yan, juice colored, tila walang narinig yan at deadma lang)
  3. Kapag may nakalimutan siya o hindi kaya meron siyang bagay na wala pero kailangan na kailangan niya, darating ka naman agad para alukin na ipahiram muna sa kanya ang gamit mo (okay lang kahit wala ka nang magamit,basta si crush magkaroon lang. 'Yung totoo teh?)
  4. Kapag nakipag-shake hands sa'yo si crush tapos pagkaalis ng kamay,sabay ka namang tatalikod tapos aamuy-amuyin ang kamay mo, kunwari may sipon ka lang. (pero ang totoo,sinisinghot-singhot na ang mabangong kamay ni crush)
  5. Kahit nakatalikod si crush, alam na alam mo na ang likod niya kahit sobrang layo pa niyan. (ano teh? major in anatomy?)
  6. Aminin mo, kahit hindi mo alam na paparating siya, bigla na lang lalakas ang heart beat mo kasi nga malakas ang radar mo na parating na siya.
  7. Hindi na uso ang "Para kanino ka bumabangon?", mas uso na talaga ang "Para kanino ka nagpupuyat?" (eh whole day ba naman kayong magkatext. May bukas pa naman)
  8. Kapag nagyaya ang crush mo na sabay kayong kumain, automatic na sasabay ka tapos may pasingit ka pa na "Ay,sakto ! marami akong baon. Tara,share tayo." (Kunwari pa,pero pinaghanda mo talaga siya,ahahaha.)
  9. Ang mala-teleseryeng eksena na may nang-aapi sa'yo tapos hindi mo inaasahang darating ang crush mo para ipagtanggol ka sa iba. (Wow! Superhero!)
  10. Kapag may gropu activity or overnight, hindi ka naka-focus sa ginagawa niyo, busy ka kay crush mo.
  11. Another thing, kapag magka-text kayo ng crush mo tapos bumanat siya ng pick-up or cheesy lines, bigla ka na lang ngingiti ng sobrang laki. Parang ganito _>   (^____________^)
  12. Marami kang ginagawa, pero gusto mong magpahinga saglit, nagde-day dreaming ka naman at si crush ang mai-imagine mo. Relaxed ka na nun.
  13. Niyaya kang mag-gala. Bigla kang magbibihis agad kaso ang problema mo, sa dinami-dami ng damit mo, hindi mo alam ang susuotin mo. Oo nga't nakapagbihis ka na nga,ang kaso lang kapag haharap ka naman sa salamin, bigla kang magtatanong kung okay na ba ang ISTURA MO! ('Yan pa ang dahilan ng pagtagal mo sa harap ng salamin.)
  14. Walang load si crush kaya nag-smart alert siya sa'yo para malaman mo lang na wala na siyang load. Ikaw naman, kung hindi bibigyan ng pasaload, papaload-an mo na lang talaga mismo.
  15. Kahit pagod na pagod ka na,pero kapag niyaya ka ni crush na tumambay sa kahit saang tambayan, magkukumahog ka namang tumakbo. Ay este,pumunta pala.
  16. Kapag nag-gm si crush na tungkol sa PAG-IBIG, kahit hindi naman para sa'yo, mag-a-assume ka na para sa'yo ang quotes na iyon. 
  17. Kunwari walang signal ang cellphone mo, pero 'yun naman pala, mag-i-stolen shot ka lang pala ng crush mo.
  18. May makita ka lang na ibang kausap ang crush mo, agaw-eksena ka naman para lang maputol ang pag-uusap nila.
  19. Isa pa sa malalang eksena ay 'yung may nalaman kang may jowa na ang crush mo, tapos biglang mag-iiba na ang kulay ng aura mo. BIgla kang magseselos na ang eksena mo naman ay para kang pinagtaksilan. ('Wag masyadong feeling ha? crush mo pa lang siya.)
  20. At higit sa lahat, kapag ka-text mo siya at sinabi ang text na ganito "Good night na kaibigan,matutulog na ako! LUV U!!' . Sabay ka magtatalukbong ng kumot,kakagatin ang unan o ang piraso ng kumot sabay bibitaw ng pigil na pag-tili.

Marami pa 'yan friend, pero basic pa lang 'yan ng mga eksena ng kalokohan mo pagdating kay crush. Masyado atang naparami ang sinabi ko haha. (Yung iba kasi na-experience ko na). SIguro, sa next blog na lang 'yung part 2 niyan. Kung bitin pa hehehe. Sana napakilig kita ulit sa pag-alala sa mga kahibangan mo kay crush. 'Til next time 

Linggo, Enero 4, 2015

What if mahal mo pa si "EX"?

Good day everyone! Wala munang definition ngayon kasi alam niyo naman na ang meaning ng "EX" ahahaha. And by the way, 'yung mga magiging nilalaman nitong topic ay based on the experiences ng ibang tao pero 'yung ibang sitwasyon ay naranasan ko na hehe.
______________________________________
Sawi ka ba?
Naranasan mo bang lumuha na pakiramdam mo ay dugo na ang lalabas? Kasi ang init sa mata?
Naranasan mo bang maghapon ka ng umiiyak at kulang na lang ay wala ka nang gawin sa maghapon at nakatulog ka na lang ng 'di namamalayan?
Naranasan mo bang magmakaawa sa harap niya para lang bawiin ang sinabi niyang "BREAK NA TAYO!"
Naranasan mo bang lumuhod sa harapan niya para lang maawa siya at malay mo magbago pa ang desisyon niya?
Ginawa mo ba ang paglalaslas o ang uminom ng sangkaterbang gamot para lang ma-overdose ka? (Never kong ginawa 'yan )
O baka naman nahuli mong napagtaksilan ka kaya bigla siyang nakipaghiwalay sa'yo?

Marami pa 'yan,hindi lang yan ang mga sitwasyon na nangyayari during break-ups.

_____________________________________
Alam kong hindi madaling mag move-on lalo na kapag sobrang dami niyo nang napagsamahan na halos kulang na lang ay tumambling ka ng 100x araw-araw kasi sobrang saya mo kapag kasama siya :3 But one day, hindi mo inaasahan na makikipaghiwalay siya sa'yo.

Marami sa mga tao ngayon na IN A RELATIONSHIP na pero hanggang ngayon ay hindi pa rin maka-get over kay ex (hoy! mahiya ka naman sa karelasyon mo. Itigil ang kahibangan na iyan.)
 Ano ba ang mga ginagawa ng ibang tao na yan kung paano sila HINDI makaka-move on kung hanggang ngayon eh hindi tinatantanan ang ex. :
  1. Kahit hindi na sila friend sa facebook (or in any social networking sites), da-da moves 'yan para lang makita ang picture o status ni ex.
  2. Kunwari hindi na raw niya itetext si ex,pero lagi naman kinakamusta.
  3. Kunwari ide-delete ang number pero ang totoo kabisado naman niya.
  4. May binigay si ex na halos araw-araw naman sinusuot. (Meron akong kilala na hanggang ngayon suot-suot niya ang singsing kahit hanggang sa pagligo,hindi niya hinuhubad iyon. Tapos sasabihin,wala naman na 'yon. Syempre diba, kahit sino naman masasaktan kapag makita iyon ng bagong karelasyon. Okay lang naman na gamitin,wag lang sana araw-araw)
  5. Kapag may mga reunion tapos ang ganda/gwapo niya nung nakita mo sya, bigla naman magniningning 'yung mata mo kasi nga attractive siyang tignan at hanggang sa pag-uwi mo ay hindi ka na naman maka get-over sa nakita mo.
  6. May mga nakasanayan kang bagay na ginagawa ninyo noon tapos gusto mong gawin din 'yun sa'yo ng current jowa mo, I'm sure mahihirapan kang ipagawa 'yun sa kanya. (Kasi naman hindi lahat ng babae/lalaki ay pare-parehas maghandle ng relasyon)
  7. Heto pa, may occassion, tapos invited ang mga kaibigan ng ex mo na kaibigan mo rin. Ikaw naman, para makita siya,makikisuyo ka sa kaibigan niyo na yayain siya pumunta pero kunwari hindi mo sinabi.
  8. Nagpalit na ng number ang ex mo pero nakada-moves ka pa rin para makuha ang number niya.
  9. May oras din na nalaman mong may bago na rin pala syang jowa, ikaw naman, sige lang sa paglait at madalas sabihin "Mas gwapo/maganda naman ako kesa sa bago mo".
  10. Nagko-communicate nga kayo,pero sinasabihan mo pa rin ng I LOVE YOU. 'yung totoo?
  11. At higit sa lahat, parehas na kayong naka-move on at parehas na kayong may kanya-kanyang relasyon, bigla naman kayong magkakamustahan at sabay magre-reminisce na kulang na lang ay ipadala niyo na lang sa MMK o Magpakailanman ang kwento niyo.(Sa tingin mo nakatulong sa pag-move-on?)

Alin ka dyan sa mga 'yan?




Marami pa yan kung tutuusin,kaya lang baka sumpain niyo na ako haha. To summarize, kung masaya ka na sa bago mo ngayon, 'wag mo nang gawin 'yung mga nandyan sa mga binanggit kasi nakakahiya sa karelasyon mo eh. Parang ginawa mo lang siyang panakip butas kung ginagawa mo lang 'yung mga yan. Kaya mo nga siya pinili ('yung bago mo ngayon 'yung tinutukoy ko ha?) ay para mag-move forward hindi para mag-move backward. Masakit sa damdamin 'yan friend,promise. Tapos na ang relsyon niyo ni ex kaya 'wag ka nang magpaka-HIBANG at magpaka-TANGA kasi nakakabaliw yan, masakit na sa ulo,masakit pa sa bangs.

Sana kontrolin ang gawain na yan ha? Bukas, panibagong topic naman tayo. Maraming salamat!

Sabado, Enero 3, 2015

Hello, DESTINY!

Destiny- what happens in the future : the things that someone or something will experience in the future : a power that is believed to control what happens in the future -- http/www.merriam-webster.com/dictionary/destiny
_________________________

Hello guys,bago ko simulan ang topic ko,papasalamatan ko muna 'yung one of my best friends na si Sarah Chin  . Siya kasi ang nag-request ng topic ko for today! (kaway-kaway hihi).
_________________________
Nabasa niyo ba 'yung definition ng DESTINY sa upper part? may nakita kayong word na "POWER"? . *clap clap*! Ang taray! Akalain niyong MAKAPANGYARIHAN pala ang DESTINY na 'yan? Kaya marami rin ang malakas ang pananalig ng karamihan sa destiny eh. Halos siguro 75% ng mga sawi sa pag-ibig ay umaasa na lang sa tadhana. Pero saan ba nagsimula ng DESTINY kemerat na yan? ---->(Philosophy on the concepts of destiny and fate has existed since the Hellenistic period with groups such as the Stoics and the Epicureans.The Stoics believed that human decisions and actions ultimately went according to a divine plan devised by a god. They claimed that although humans theoretically have free will, their souls and the circumstances under which they live are all a part of the universal network of fate. Source- http/en.wikipedia.org/wiki/Destiny)

Naintindihan niyo ba? Ako hindi eh kasi english.Hahahaha Lol. Biro lang. Ibig sabihin pala ay nakadepende pa rin pala ang term na DESTINY sa mga sinasamba natin(mga diyos). Kungbaga, sila/Siya ang nagbibigay ng magiging kapalaran natin. Pero hindi naman sa lahat ng bagay ay iaasa na lang natin sa Diyos/diyos. Parang ganito lang 'yan eh, mananalo ka ba sa lotto kung hindi ka naman tumataya? Same thing with love, 'diba hindi naman tayo makakakita mismo ng pag-ibig natin kung hindi natin gugustuhin na makilala muna siya? Alangan naman na maniniwala ka sa LOVE AT FIRST SIGHT. Parang sinabi mo na rin na physical looks lang ang habol mo. Hindi lahat ng gwapo/magaganda ay gwapo/magaganda rin ang PAG-UUGALI. At hindi rin lahat ng PANGET ay panget din ang PAG-UUGALI. Bakit ko ba naisingit ang love at first sight na iyan? Kasi ho mga kapatid,may mga tao na may mapadaan lang sa harapan nila na maganda/gwapo, sasabihin nila "SYET!SIYA NA YATA ANG TADHANA KO". Tsssss.  . Ang sarap pukulin minsan ng bote sa ulo ng mga nagsasabi ng ganyan.


Mabalik tayo sa destiny. Ano ba 'yung mga signs "DAW" na nakatadhana sa'yo ang isang tao?

  1. Mag-apir daw kayo ng taong hinihinala mong nakatadhana sa'yo tapos pagkabukas niyo ng palad ninyong dalawa, tignan ang guhit ng hinliliit kung pantay,ibig sabihin ay meant to be kayo.
  2. Kapag may kamukha ka raw sa isa sa miyembro ng pamilya ng nobyo/nobya mo,kayo na raw magkakatuluyan habangbuhay.
  3. Kapag may nakatabi ka tapos may naramdaman kang kuryente na dumaloy sa katawan ninyo parehas, meant to be pa rin daw ang eksena niyo!
  4. Kapag hindi niyo sinasadyang magkabungguan kayo at napatingin kayo sa isa't isa,tignan ang mga mata kung may SPARKS,baka siya na ang hinihintay mo! (Sparks? pakainin ko na lang kayo ng kwitis para siguradong mag-spark din kayo haha..)
Iilan pa lang 'yan sa mga superstitions na naririnig ko dyan lang sa tabi-tabi! Haha. Para sa akin, kung may destiny man na ibibigay sa akin,edi magpapasalamat ako kay God. Kaso hindi talaga ako naniniwala sa destiny eh (pasensya naman!). Mas naniniwala kasi ako na kung paghihirapan mong makuha ang isang tao, kailangan mo talagang paghirapan. Hindi yan nakukuha by destiny or fate kasi maaari ka pa ring masaktan eh kung patuloy kang maniniwala sa mga ganyang paniniwala. Kung ako sa'yo friend, mas mainam na makisalamuha sa different circle of friends. Malay mo, may maging kaibigan ka doon tapos maging close mo pa,tapos malay mo maging mutual na ang feelings niyo,tapos magkatuluyan pa kayo,tapos..... tapos...... tapos....... TAPOS na haha. HAPPY ENDING na kayo   Basta ako, hindi man ako naniniwala sa DESTINY pero naniniwala ako sa true love (hello pala sa mahal kong si ROEL N. FRANCISCO jr. ILOVEYOU! <3 )

(Kung may violent reaction kayo,welcome ang mga comments! hehehe. Have a great hair day!)



Naniniwala ka ba sa salitang "FOREVER"?


FOREVER- Eternity, a limitless amount of time. -- (c) wikipedia.org
       - at all times :  continually -- http/www.merriam-webster.com/dictionary/forever
____________________________________________________________________________________
Sabi nga ng mga kaibigan ko, "Ang buhay nga natin,hindi nagtatagal,FOREVER pa kaya?"

Hay naku,ang daming nagiging bitter sa FOREVER. Kung nakakapagsalita lang ang FOREVER na yan,malamang minura na tayong lahat.Lols. Actually, may salitang FOREVER,(oo meron,sa dictionary po,ayan oh? binigay na 'yung meaning sa itaas.)kaso hindi naman natin alam kung nag-e-exist ba ang salitang iyon.  FOREVER here,FOREVER there, FOREVER everywhere.
 Ang FOREVER ay naging viral nung 2014. Ewan ko ba kung bakit. Medyo nakakainis kasi ang daming nagsasabing walang FOREVER. 
'Yung iba dyan,kaya galit na galit kay FOREVER kasi siguro nakaranas sila ng tinatawag na HEARTACHE.(Tama ba ako?). Ako kasi nasaktan na ako pero never kong sinisi si FOREVER. Ikaw ba,galit ka ba sa FOREVER? Friend, kung ako sa'yo 'wag kang magalit kay FOREVER. Alam mo kung bakit? Kasi maaaring sinaktan ka ng MGA minahal mo (oo,MGA kasi marami ka sigurong minahal), pero nakakasiguro ako na may bukod tanging LALAKI/BABAE na magpaparamdam sa iyo ng salitang FOREVER, promise! Kaso,dapat marunong kang maghintay. Kasi "Good things come to those who wait". 'Wag lang tayo masyadong magmamadali ha? Keep calm.
 Basta ako,naniniwala pa rin ako sa salitang FOREVER na 'yan. Ikaw? Naniniwala ka ba o hindi? Tara pag-usapan natin. Just leave a comment and ipagpatuloy ang FOREVER na 'yan!